Inatasan ng Supreme Court (SC) ang Banco de Oro Universal Bank, Inc. (BDO) na bayaran ng mahigit P8 milyon ang isang negosyante, dahil sa pagpayag na mag-withdraw sa kanyang bank account ang nagpakilalang kinatawan nito kahit wala siyang authorization.
Sa ruling na ipinost ng SC sa kanilang opisyal na website, napatunayan na ang BDO ay may pananagutan na magbayad ng danyos sa depositor na si
Liza Seastres, matapos nitong madiskubre na pinayagan ng BDO ang di awtorisadong transaksiyon ni Anabelle Benaje, chief operating officer ng Seastres business, na umaabot sa P8,121,939.59.
“BDO had existing rules and regulations for the withdrawal and encashment of checks through a representative—these were not followed at all,”a yon sa SC .
Napag-alaman na nakalagay sa BDO procedures kung paano bibigyan ng proteksyon ang depositor at payee.
Nabatid na inamin rin ng sariling opisyal ng BDO na ang transaksyon na hindi awtorisado ay paglabag sa ‘bank’s fiduciary obligation’ sa kanilang depositor at account holder.
Ayon sa SC, na nabigo ang BDO na.pangalagaan ang bank account ni Seastres para tiyakin na ang mga lagda sa withdrawal slip ay kay Seastre at hindi sa ibang tao.
“BDO allowed Benaje to personally transact the unauthorized withdrawals without confirming from Seastres the authority of Benaje,” giit ng SC.
Gayundin ,ang written authorization ay hindi para sa withdrawals at ito ay pinapayagan lamang sa deposito,inquiries, pick-ups, at printouts para sa Seastres.
Inatasan ng SC ang BDO kasama sina BDO People Support Branch Head Christine T. Nakanishi at BDO Rufino Branch Head Vivian Duldulao na bayaran si Seastres ng mahigit sa P8 milyon bilang actual at moral damages, attorney’s fees at halaga ng demanda na may legal interest na 6% per annum hanggang hindi ito nababayaran nang buo.
Gayundin,inatasan ng SC si Benaje na bayaran ang BDO, si Nakanishi at Duldulao sa losses at damages dahil sa nangyaring insidente.