Latest News

BCJ, ARESTADO SA PAGTANGAY NG PARCEL

By: Baby Cuevas

ISANG miyembro ng Batang City Jail (BCJ) ang arestado dahil sa pagtangay diumano sa isang sakong parcel na nakatakda sanang i-deliver ng isang rider nitong Miyerkules ng gabi sa Mayhaligue St. sa Sta.Cruz, Maynila.

Dinakip ng mga tauhan ng Alvarez Police Community Precinct at Barangay Tanod Anthony Orsu ng Brgy. 316 ang suspek na si Johnmer Bacay, 25, miyembro ng BCJ at taga Mayhaligue Street din.

Ayon sa imbestigasyon ng Manila Police District -Police Station 3, naganap ang insidente alas- 9 ng gabi sa nabanggit na lugar matapos ibaba ni John Perry Estacio,31,supervisor ng Flash Express at taga-1270 G. Araneta St. Brgy. 544, Quezon City, ang isang sakong parcel sa kanilang pickup point para i- deliver ni Mark Eugene Ajero, delivery rider.


Nang puntahan ni Ajero ay di na umano nakita ang isang sakong parcel kaya nagtanong ito kay Orsu sa ginawang pagkuha ng parcel ni Bacay na hindi niya sinita, sa pag-aakalang ang suspek ang may-ari ng parcel.

Kaagad nagreklamo sa pulisya ang biktima at nagsagawa ng follow- up operation. Nakita ang suspek sa lugar na hawak pa ang isang sako ng parcel.


Dito na inaresto ang suspek at nabawi ang parcel pero marami na ang nawala mula doon.

Sinampahan ng kasong theft ang suspek sa Manila Prosecutor’s Office.


Tags: Batang City Jail (BCJ)

You May Also Like