May sumobra umanong P1.45 milyon si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. sa kanyang campaign funds sa kabila nang ito ay “top spender” at gumastos ng P623 milyon sa kanyang kampanya sa nakalipas na 2022 presidential elections.
Ito ay ayon sa Statements of Contributions and Expenditures (SOCE) summary ng national candidates that the ABS-CBN Investigative & Research Group na nakuha mula sa Commission on Elections Campaign Finance Office.
Si Vice-President Sara Duterte, Marcos’ running mate ni Marcos , na top spender rin sa mga kandidato sa pagka-bise presidente, ay gumastos naman ng P216 milyon sa kanyang kampanya pero wala itong sumobrang pondo.
Nabatid na ang kada kandidato sa pagka- Pangulo at Vice President ay pinapayagan na gumastos ng P10 sa kada botante alinsunod sa Republic Act 7166 na katumbas ng P675 milyon para sa may 67,529,008 registered voters nitong 2022 elections.
Sa mga kumandidato sa pagka- Pangulo, si Senator Manny Pacquiao ang gumastos mula sa sarili niyang pera kung saan umabot ng P63 milyon na 53% ng kabuuang ginastos niya sa kampanya.
Gayunman, si Jose Montemayor Jr. ay gumastos ng sarili niyang pera na umabot sa P100,000.
Nabatid na tatlong kandidato kasama si Marcos, ay hindi gumastos ng kanilang personal na pera sa kampanya kung saan ang kanilang gastos ay donasyon ng iba’t- ibang grupo.
Gumastos naman si dating Manila Mayor Isko Moreno ng P242 milyon sa kampanya at P1.1 milyon mula sa sarili niyang pera.
Bukod kay Marcos,si Leody de Guzman ang tanging kandidato na tumanggap ng kontribusyon sa kanyang partido at si dating Vice-President Leni Robredo ang tumanggap ng pinakalamalaking cash contributions na umabot sa P373 milyon. (Jaymel Manuel)














