BBM, ITU-TOUR ANG MGA ANAK SA PALASYO

Balak ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na i-tour ang kanyang mga anak sa paligid ng Malakanyang kapag libre ang kanyang schedule para malaman nila ang kuwento ng pagkabata ng kanilang ama.

Sa isang vlog recapping events ni Marcos sa kanyang unang Linggo bilang Pangulo,iniikot ni Marcos ang kanyang tatlong anak na sina Sandro, Simon at Vinny sa mga kuwarto sa paligid ng Malakanyang matapos ang kanyang oath-taking noong Hunyo 30.


Itinuro ni Marcos ang kanyang naging kuwarto at kuwartong inokupa ng kanyang mga kapatid na sina Irene at Senator Imee.

“Pagka may free time ka, lalo’t kasama ko ang pamilya ko, iiikot ko sila sa mga sulok ng Malacañang. Hindi ko pa nga napuntahan lahat. Pero one of these days, dadalhin ko silang lahat. Ikukwento ko. Bawat sulok ng Palasyo may kwento sa amin eh,” ayon sa voice over ni Marcos.

Si Marcos ay tumira sa Malakanyang mula 1965 hanggang 1986 nang Presidente ang kanyang ama.


Sa ngayon, ang First Family ay nakatira sa Bahay Pangarap, isang resthouse sa loob ng Malacanang Park at naging opisyal na tirahan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte at Benigno Aquino III. (Jaymel Manuel)


Tags: Jr., Pangulong Ferdinand Marcos

You May Also Like

Most Read