Tuloy lang ang trabaho habang bumubuti na umano ang kalagayan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. matapos na magpositibo sa COVID-19 noong Hulyo 8.
Ayon kay Press Secretary Trixie Cruz-Angeles, patuloy ang pagbibigay ng direktiba ni Marcos sa kanyang mga miyembro ng gabinete sa kabila na naka-isolate ito.
“His personal doctor, Dr. Zacate, reported Saturday that the President is doing well and very much in stable condition,” ani Angeles.
Nabatid kay Angeles na si Marcos ay binisita ng kanyang lead physician, Dr. Samuel Zacate, noong Sabado at wala umano itong lagnat, hindi rin nawalan ng panlasa at nakakaranas na lamang ito ng mild na sintomas.
Hindi rin umano namamaga ang lalamunan nito at wala rin siyang respiratory distress o pneumonia.”
Napag-alaman na si Marcos ay nagpositibo sa COVID-19 sa isinagawamg antigen test noong Hulyo 8, kung saan nakaranas siya ng bahagyang lagnat, nasal stuffiness, nasal itchiness at mild, occasional non-productive cough, kung kaya’t isinailalim siya sa RT-PCR test at nakumpirma ngang positibo.
Nabatid na ito na ang ikalawang pagkakataon na nagpositibo sa COVID-19 si Marcos. (Jaymel Manuel)