Pinaghati-hatian umano ng mga gang sa loob ng National Bilibid Prison (NBP),ang pondong P550,000 na ibinayad para patayin ang broadcaster na si Percy Lapid.
Ito ang inihayag ni National Bureau of Investigation(NBI) supervising agent Eugene Javier na idineposito sa bank account ng gunman na si Joel Escorial.
Nabatid na nagbigay umano ang Happy Go Lucky gang ng P200,000 bilang down payment.
Habang ang nalalabing P350,000 ay ibinigay ni Bureau of Corrections Deputy Security Officer Ricardo Zulueta, matapos mapatay na si Lapid.
“Yun nga yung masaklap doon because preso na nga kayo and kayo na nga yung inutusan na pumatay eh pinag-aabono pa kayo. So I don’t know kung tatawa ba ako or iiyak pero that’s how it is in NBP. That’s how it is being run right now,”ayon kay Javier.
Nalaman na pinapayagan sa NBP,ang mga gangs na gumawa ng pagkakakitaan na ginagamit sa proyekto ng kanilang mga miyembro. (Jantzen Tan)