Bato, Bong Go pinaiiwas sa mga bansa kakosa ng ICC

By: Anthony Quindoy

Nagpaalala si Justice Secretary Jesus Crispin Remulla sina Senators Ronald “Bato” dela Rosa ,Bong Go at iba pang kasalukuyan at dating public officials na isinasangkot sa kontrobersiyal na drug war na umiwas muna sa pagbisita sa mga bansa na sumusuporta sa International Criminal Court (ICC).

“I advise them not to go to countries where the ICC can influence the judicial system,” ayon kay Remulla.


Gayundin sa iba pang mga opisyal na isinangkot na base sa Vera Files, isinumite sa ICC na kasama dito sina dating Pangulong Rodrigo Duterte, Vice President Sara Duterte, at Senator Christopher “Bong” Go.

Gayunman,nanindigan si Remulla na hindi susunod ang gobyerno ng Pilipinas sa ICC kapag nag-isyu ng arrest warrants laban sa mga indibiduwal na inakusahan ng pang- aabuso noong panahon ng drug war ng dating administrasyon.

“They can’t come here. We don’t allow them,”paniniyak ni Remulla.


Nabatid na noong Martes, ibinasura ng ICC ang apela ng gobyerno ng Pilipinas para huwag ituloy ang imbestigasyon ng pang -aabuso sa karapatang pantao sa kontrobersiyal na drug war sa ilalim ng administrasyong Duterte.

Napag-alaman na maari nang ipagpatuloy ni ICC Prosecutor Karim Khan ang imbestigasyon sa kasong crimes against humanity ginawa ng ilang indibiduwal sa Pilipinas.


Tags: Bong Go, Senators Ronald "Bato" dela Rosa

You May Also Like