“Batang City Jail” niratrat, patay

Patay ang isang miyembro ng Batang City Jail matapos barilin ng tatlong beses ng hindi kilalang gunman,kahapon ng umaga sa panulukan ng Barcelona at Moriones Streets,Tondo,Maynila.

Kinilala ni PEMS Richard Escarlan,imbestigador ng Manila Police District-homicide section, ang biktimang si Roel Solo,28,alyas Badjao at taga #2 Bo.Magsaysay,Sampaloc St.Tondo,Maynila.


Ayon sa imbestigasyon,naganap ang insidente alas- 4:45 sa nabanggit na lugar.

Ayon kay Brgy Kagawad Teofilo Martinez ng Brgy. 69 Zone 6,papaalis na sana siya ng bahay nang makarinig siya ng tatlong putok ng baril.

Sa pangambang madamay, hindi muna lumabas ng bahay si Martinez at tinawagan niya si Brgy.Tanod Ronald Cuyugan na samahan siya na puntahan ang pinanggalingan ng mga putok.


Dito na nakitang nakahandusay at duguan ang wala nang buhay na biktima.

Inaalam naman ng pulisya kung may kinalaman sa iligal na droga ang ginawang pagpaslang sa biktima.


Tags: Manila Police District-homicide section

You May Also Like

Most Read