HAWAK na ngayon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang nasa 222.655 kilo ng shabu na nadiskubre ng 10 mangingisda na palutang-lutang sa dagat sa kanlurang bahagi ng Masinloc sa Bataan .
Nakuha umano ng mga mangingisda ang 10 sako ng shabu na unang iniulat na siyam na sako, bandang alas- 5:30 ng hapon noong Huwebes, Mayo 29, 2025 at agad nilang ibigay sa Philippine Coast Guard pagdaong nila sa aplaya bandang 4:05 p.m. nitong Lunes Hunyo 2, matapos ang kanilang pangingisda.
Itinatayang may street value na aabot sa ?1.5 billion, ang halaga ng nakuhang shabu na nakabalot sa vacuum-sealed transparent plastic packs.
“ The joint law enforcement team also confirmed a total of ten sacks, instead of nine as earlier reported, containing suspected narcotics,” ayon sa ibinahaging report ng Philippine Coast Guard .
“We identified four sacks containing 100 vacuum-sealed packs labeled ‘Freeso Dried Durien,’ five sacks with 116 vacuum-sealed packs labeled ‘Daguanyin,’ and one sack with seven transparent packs—each pack containing suspected shabu,” ayon sa PCG Station Bataan.
Matapos na masuri at mabatid ang estimated market value ng mga kinatawan ng Dangerous Drugs Board (DDB) ay minarkahan ng PDEA ang mga ebidensiya bago dinala sa PDEA National Headquarters sa Quezon City para sa validation at confirmatory laboratory testing.
Pinapurihan naman ng PDEA Regional Office 3 Chief ang mga magsasaka sa kanilang naging pasya na agad na ibigay sa mga awtoridad ang nakuhang droga.
“The PDEA will continuously monitor all suspicious activities and remain steadfast in its commitment to eradicating drug smuggling in Central Luzon”, ayon pa sa PDEA Regional Director.














