Latest News

Basurero, sumakit ang tiyan, patay

Patay ang isang 64-anyos na basurero matapos na sumakit ang tiyan at magsuka,kahapon ng madaling araw sa Padre Rada Street corner Ylaya St.Moriones,Tondo,Maynila.

Wala nang buhay nang makita ng isang helper ang biktimang si Walter De Jesus, taga Blk.15 Lot 35 Victoria Reyes,Dasmarinas, Cavite.


Sa imbestigasyon ni Cpl Errhol Aguila ng Manila Police District-homicide section,nakita ni Carlito Pontilo,54,helper, ang biktima alas- 3 ng madaling araw na nakahiga sa isang makeshift shelter na nagsisilbi niyang tulugan at nagreklamoito ng pananakit ng tiyan at nagsusuka.

Nang muli itong makita alas- 4 ng madaling araw ay napansin ni Pontilo na hindi na gumagalaw ang biktima at wala nang buhay.


Tags: Manila Police District-homicide section

You May Also Like

Most Read