Basurero, arestado sa pagpatay ng kapwa basurero

By: Baby Cuevas

Dinakip ng mga tauhan ng Manila Police District -Police Station 1 ang isang 25-anyos na basurero matapos nitong patayin sa saksak ang kapwa nito basurero, kamakalawa ng umaga sa isang bakanteng lote sa Building 11 Vitas Katuparan, Vitas, Tondo, Maynila.

Naaresto naman sa ginawang follow-up operation ng mga tauhan ng MPD-PS1 ang suspek na nakilalang si John Mark Agrada, miyembro ng sputnik gang at nakatira sa break water, Brgy 101,Tondo, Maynila.


Nasawi dahil sa tama ng mga saksak sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang biktima na inilarawang nasa edad 35-49, may taas na 5’6″, katamtaman ang pangangatawan at may tattoo na “Bhing” ,”Kathleen”,”sputnik”,”Marlon” “Rhey cell”,” Rocky”,”Iton” at “Bryan”.

Ayon kay Ronald Cusay, barangay tanod, nakita niya nang pagsasaksakin ng suspek, alas -5:40 ng umaga ang noon ay nangangalakal na biktima.

Pinuntahan niya ang suspek pero nang makita nito na paparating na siya ay mabilis itong tumakas sa isang eskinita papuntang breakwater.


Tumawag ng kanyang kasama si Cusay at isinugod ang biktima sa Tondo Medical Center pero idineklara ito g patay alas-6:43 ng umaga.

Kaagad na ipinaalam ni Cusay sa MPD-PS 1 ang insidente atnagsagawa ng follow-up operation ang pulisya, dahilan para maaresto ang suspek.


Tinitingnang anggulo sa pagpaslang ang agawan sa ruta sa kinakalakalan na lugar.

Dinala sa funeral parlorang biktima para sa awtopsiya at safekeeping habang sasampahan naman ng kasong murder sa Manila Prosecutors Office ang suspek.


Tags: Manila Police District Police Station 1

You May Also Like