BASTA HINDI MAKAKASIRA, CHINA WALANG NAKIKITANG PROBLEMA SA PAGBISITA NI US VPOTUS KAMALA HARRIS

Walang problema ang China sa ginawang pagbisita ni United States Vice President Kamala Hariis sa Palawan na probinsyang pinakamalapit sa contested South China sea or West Philippine Sea.

Ayon sa inilabas na pahayag ni Chinese Foreign Ministry spokesperson Mao Ning ng Chinese Embassy sa Maynila. okay lang sa gobyerno ng China ang naging hakbang na ito ng Amerika hangga’t makabubuti ito para sa kaayusan at stability sa rehiyon at hindi makakasira sa interes ng ibang bansa.


Salungat ito sa naunang statement ng China nang bumisita si US House Speaker Nancy Pelosi sa Taiwan noong Agosto na itinuturing ng China na umano’y pangingialam ng Amerika sa internal affairs nito.

Nagpagalit ito sa China dahilan ng paglulunsad ng dosenang missiles nito bilang bahagi ng military activity na umano’y bumagsak pa sa katubigan ng Taiwan at Japan.

Samantala, sa paghimay naman ng isang analyst, maari umanong umiinit pa ang sitwasyon sa pagitan ng Pilipinas at China kasunod ng pagbisita ni US Vice President Kamala Harris sa bansa.


Ayon sa security analyst na si Dr. Chester Cabalza, pinili ni Harris na bisitahin ang Palawan at maglatag ng mga hakbanging magpapalakas sa alyansa ng Pilipinas at Amerika bunsod ng estratehikong lokasyon nito.

Ang Palawan ay isa sa limang lugar na plano ng Amerika na magtayo ng temporary base or warehousing na pinakamalapit sa mga teritoryong inaangkin ng China sa West Philippine Sea.


Giit ni Cabalza, ang pagbisita ni Harris ay magbibigay ng mensahe sa China na handa ang Amerika na tuparin ang commitment nito sa Pilipinas sa ilalim ng Mutual Defense Treaty ng dalawang bansa. (VICTOR BALDEMOR RUIZ)


Tags: United States Vice President Kamala Hariis

You May Also Like