ALINSUNOD sa deklarasyon ng Malacanan ng ‘Period of National Mourning’ mula April 24 hanggang 26 ay inilagay sa half-mast ang watawat ng Pilipinas sa Manila City Hall bilang pakikiisa sa pagluluksa ng Simbahang Katolika sa pagpanaw ni Pope Francis.
Ayon kay Manila Mayor Honey Lacuna, ang paghahalf-mast sa watawat sa Manila City Hall ay sinimulan nitong Huwebes, Abril 24 at magtatagal hanggang sa Sabado, Abril 26, na siyang araw ng libing ng Santo Papa.
“As Mayor of Manila, in solidarity with the Catholic churches and parishes in the City of Manila, I enjoin all government offices in Manila, including Manila LGU offices and barangays, to fly the Philippine Flag at half-mast today, April 24, until this Saturday, April 26,” ani Lacuna.
Magdaraos rin aniya ang lokal na pamahalaan sa Manila City Hall ng isang special flag ceremony sa Sabado upang itaas ang watawat sa half-mast sa umaga at ibaba ito paglubog ng araw sa hapon ng parehong araw.
Habang sina Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. at First Lady Liza Araneta-Marcos ay dumadalo sa funeral rites para kay Pope Francis, nakikiisa naman sa kanila ang Maynila at maging ang mga Filipino cardinals sa pamamagitan ng pananalangin.
“We pray for our beloved Pope Francis, who followed the will of God. Until just before the end, he called for peace in Gaza. He was still with us on Easter Sunday,” ani Lacuna.
Dagdag pa niya, “We in Manila will forever have our cherished memories of his papal visit and his audience with the youth at my alma mater, the University of Santo Tomas. May God grant the world a new pope who will carry the Catholic Church, Christianity and the world forward in faith, hope and love, as Pope Francis has done.”
Matatandaang si Pope Francis ay pumanaw noong Easter Monday dahil sa stroke na nauwi sa coma, matapos ang ilang linggong pakikipaglaban sa bilateral pneumonia, sa edad na 88.
Nakatakda siyang ihatid sa kanyang huling hantungan sa Sabado, Abril 26, 10 a.m. Vatican time. Ang kanyang funeral service ay gagnapin sa St. Peter’s Square.