Latest News

Baryang nakolekta ng BSP sa mga coin deposit machines, umabot na ng higit P115M

By: Carl Angelo

Iniulat ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) kahapon na umaabot na sa mahigit P115 milyon ang halaga ng mga barya na nakolekta ng kanilang mga coin deposit machines (CoDMs).

Ayon sa BSP, hanggang noong Oktubre 6, aabot sa lagpas P44 milyon ang mga barya ang naideposito sa mga CoDMs.

Pumalo naman sa 42,386 ang dami ng mga transaksyong naisagawa sa mga makina.


Nabatid na sa kasalukuyan, nasa 25 ang CoDMs ng BSP.

Ang mga ito ay matatagpuan sa iba’t- ibang lugar sa Greater Manila Area, kabilang na ang mga malls.

Nauna nang sinabi ng BSP na target nilang paramihin pa ang mga makina, dahil sa pagtangkilik dito ng ating mga kababayan.

Ang mga baryang maide-deposito sa mga CoDMs ay make-credit sa e-wallets gaya ng GCash at Maya, o di kaya ay maaaring maging shopping vouchers.


Tags: Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP)

You May Also Like

Most Read