BARKO HINDI PINAPASOK SA EEZ, PAGPUPUSLIT 5 TONELADANG SHABU NAPIGILAN

By: Victor Baldemor Ruiz

NASAWATA ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard at Philippine Drug Enforcement Agency ang tangkang pagpuslit ng tonetoneladang Shabu ng isang barko papasok ng Pilipinas.

Sa ulat bunsod ng hawak nilang intelligence report mula sa kanilang mga counterparts sa iba bansa ay napigilan ang tangkang pagpasok ng barko na may kargang 5 toneladang ng shabu


Ayon sa PCG, ang naturang barko ay na-track na nasa labas pa ng exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas malapit sa Mindoro.

Base sa impormasyong ibinahagin ng PCG, …”coast guard personnel and the PDEA “collaborated in averting the entry of a vessel suspected to be loaded with a large volume of illegal drugs outside the Philippines’ exclusive economic zone (EEZ) closest to the coast of Mindoro.”

Ayon kay PCG commandant, Admiral Ronnie Gil Gavan, isinagawa ng dalawang ahensiya ang operasyon sa gitna ng masungit na panahon.


Gamit ang mga maritime assets ng PCG, nagawa nilang pigilan ang barko na pumasok sa teritoryo ng Pilipinas at maitaboy ito palayo sa bansa.

Pinaniniwalaang naglalaman ang naturang barko ng hanggang limang tonelada ng shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P34 billion. Ito ay batay na rin sa intelligence report na hawak ng PDEA.


Sinabi ni PDEA spokesman Joseph Frederick Calulut na batay sa kanilang intel report, may barko na papasok sa Pilipinas na may lulan ng droga Kaya nagkaroon ng ugnayan sa pagitan ng PCG para mapigilan ito.

Sa kasalukuyan, hindi pa inilalabas ng PCG ang pagkakakilanlan ng barko at kung saan ito nagmula.


Tags: Philippine Coast Guard

You May Also Like