Latest News

BARILAN NG 2 PULIS SA ISTASYON, ISA PATAY; UMAWAT, KRITIKAL

By: JANTZEN ALVIN

DEAD-on-the- spot ang isang pulis habang kritikal naman ang isa pa na umawat sa pamamaril nito ng kapwa pulis, sa loob mismo ng Taguig City Police Station, sa Taguig City.

Kinilala ang nasawi na si PEMS Heriberto Saguiped, miyembro ng PNP-Special Action Force ’97, at nakatalaga sa nasabing police headquarters. Nagtamo ito ng mga tama ng bala sa ulo.


Kritikal naman ang kondisyon ni PCpl Alison Sindac, nakatalaga din sa Taguig CPS at umawat lamang sa gulo.

Base sa inisyal na imbestigasyon, 11:30 ng umaga kanina nang dumating ang suspek sa pamamaril na si PCMS Alraquib Aguel na nakatalaga din sa nasabing istasyon. Agad umano nitong kinompronta si Saguiped sa hindi pa matukoy na dahilan.


Nauwi ito sa mainitang pagtatalo ng dalawang pulis kung saan binaril ng suspek ang biktima, hanggang sa nadamay din sa Sindac matapos itong umawat sa away ng dalawa.

Napag-alamang naganap ang insidente sa loob ng Office of Community Affairs Section, HQ, Taguig CPS, City Hall Compound, Gen. Luna St., Brgy. Tuktukan,Taguig.


Nagpapatuloy parin ang imbestigasyon ng mga awtoridad kaugnay sa nangyaring insidente.

Tags: Taguig City Police Station

You May Also Like

Most Read