Latest News

BARIL AT P 27- MILLION SMUGGLED CIGARETTES, HULI NG PNP

BUKOD sa baril nahulihan din ng mga tauhan ng Philippine National Police ang isang lalaki nang bulto bultong smuggled cigarette sa Davao City.

Ayon sa ulat ng Davao City Police Office, nasakote sa ikinasang police operation ang suspek na kinilalang si Tapsaren Alibasa, 47-anyos, residente ng Hagonoy, Davao del Sur.

Una rito nagsagawa muna ng intelligence operation ang mga tauhan ng Davao City Police matapos makatanggap ng impormasyon hinggil sa modus operandi ni Alibasa na sinasabing armadpo din.


Nakumpiska sa kanyang posisyon ang mga pakete ng Hoodlum Brand ng sigarilyo na nagkakahalaga ng mahigit P27 milyon,

Nahulihan din ang suspek ng isang .45 caliber pistol na puno ng bala bukod sa 690 karton ng smuggled cigarettes.

Nasa kustodiya na ng Hagonoy Municipal Police station ang suspek habang inihahanda ng kaukulang kasong kakaharapin nito

Noong buwan ng Enero nasa 1,020 master cases ng smuggled cigarettes na nagkakahalaga ng P28,872,000 ang nasamsam din sa Davao International Container Terminal (DICT). (VICTOR BALDEMOR)


Tags:

You May Also Like

Most Read