Latest News

Barge patron, nagbigti sa engine pump room ng gibara

WALA nang buhay nang matagpuan ang isang” barge patron” matapos na magbigti sa engine pump room ng isang CTI-5 Barge na nakadaong sa Manila Bay sakop ng Baseco Compound sa Port Area,Maynila kamakalawa ng umaga.

Kinilala ni PLt Adonis Aguila,hepe ng Manila Police District-homicide section, ang biktimang si Rominick Flores, tubong Escalante City,Negros Occidental, stay-in worker sa Western shipyard at umano ay nagbigti gamit ang isang kulay berdeng kumot.


Ayon kay Gervin Anggot,katrabaho ng biktima,nawawala umano ito noon pang Abril 5 kung saan huling nakita ito sa barracks na kakuwentuhan ang isang kasama sa trabaho habang nanonood.ng telebisyon.

Namamaga na umano ang katawan ng biktima nang ito ay matagpuan sa engine pump room habang naglilinis si Anggot.

Dinala ang bangkay sa funeral parlor para sa awtopsiya at safekeeping.


Patuloy naman iniimbestigahan ng pulisya kung may naganap na foul play sa pagkamatay ng biktima. (Philip Reyes)


Tags: Manila Police District-homicide section

You May Also Like