ISA sa host ng “Pinoy Big Brother” ang Kapuso aktres na si Gabbi Garcia.
Katunayan, maraming naiinggit na Kapuso artists dahil si Gabbi ang masuwerteng napili para sa sanib-pwersa ng ABS-CBN at GMA-7 sa “PBB Celebrity Edition” na mapapanood na this March.
May mga sitsit na bet umanong ipasok ni Gabbi si Barbie Forteza sa PBB house.
Inamin ng girlfriend ni Khalil Ramos na looking forward siya na mapanood ang lead actress ng “Pulang Araw” na si Barbie.
“Si Barbie. We always see Barbie’s primetime princess side as an actor. I’m pretty sure people wanna get to know her on a deeper level,” say ni Gabbi.
May chance rin daw bang makapasok ang boyfriend na si Khalil?
“Kung pinapatawag siya ni Kuya, wala tayong magagawa.”
Nagbigay naman siya ng payo para sa boyfriend if ever na makasama ito sa Pinoy Big Brother Collab.
“Behave. Siguro more of—kasi he’s very introverted—just talk to people,” payo ni Gabbi.
Marami na ang nag-aabang kung sinu-sino sa dalawang network artists ang magiging housemates sa Bahay ni Kuya.
Of course, makakasama ni Gabbi sina Bianca Gonzales at Robi Domingo bilang host sa inaabangang realty show na mapapanood sa Kapuso network.
Matatandaang last January 28, nagkaroon ng contract signing sa pagitan ng GMA at ABS-CBN para sa kanilang collaboration kung saan ilan sa mga Kapamilya at Kapuso artists ang papasok sa Bahay ni Kuya.














