Latest News

BARBIE FORTEZA ALIW NA ALIW MAGING JUDGE SA IT’S SHOWTIME

By: Beth Gelena

ISA si Barbie Forteza sa judges ng “Magpasikat” sa It’s Showtime, ang taunang selebrasyon ng programa.

Bago nagbigay ng kanyang opinyon ang Kapuso aktres sa unang nag-perform na sina Vhong Navarro, Jhugs Jugueta at Teddy Corpuz, ay biglang bumati nang pagkalakas-lakas na “What’s Up Madlang People” Barbie na ikinagulat ng katabi niyang si Tirso Cruz III,  na isa ring hurado.

Nag-sorry naman ang aktres at sinabing na-miss daw kasi  niyang mag-guest sa programa magmula nang unang umere ang IS sa GTV channel ng GMA-7.


Ayon pa sa girlfriend ni Jak Roberto: “Ito lang po kasi ang programang may physical hosting.”

Ang iba pang mga hurado ng “Magpasikat” ay sina Direk Olivia ‘Inay” Lamasan, Jet Pangan at Apl de Ap, na kadarating lang mula Tate at dumiretso agad sa ABS-CBN.


Tags: Barbie Forteza

You May Also Like

Most Read