Pinasalamatan ni Barbie Forteza ang kanyang ka-loveteam na si David Licauco sa tagumpay ng BarDa dahil ang actor daw ang nagsimula ng Twitter serye ng “Maria Clara at Ibarra” noon na kinagiliwan ng fans at netizens.
“I also would like to share the credit of the success of BarDa kay David. Kasi, siya po naman talaga ang umpisang nagsimula ng Twitter serye sa Maria Clara at Ibarra. Siya naman po talaga ang nag-initiate ng Twitter serye na yun. Naki-ride lang ako,” say ni Barbie.
“Tapos, nagustuhan ng mga fans kaya tumaas ang engagement namin sa Twitter.
“So, I’d like to share of course the success with David dahil grabe rin talaga yung hard work and ‘yung dedication niya to make us work, to make this partnership work, na parehas kaming nagbe-benefit and parehas kaming nag-gain ng friends sa isa`t-isa throughout the process of working together,” kuwento ni Barbie.
Bukod sa pagpapasalamat ni Barbie sa ka-loveteam, nagbigay din ng ultimatum ang actress sa lahat ng fans na naghahangad na maging sila ni David in real life.
“As grateful as we are for the support na ibinibigay nila sa amin na kahit hindi namin hiningi, ibinigay nila sa amin nang buong puso, siyempre, sabi nga po ni Miss Lea Salonga, we have to set our personal boundaries, because at the end of the day, tao po kami.
“I guess, David will agree with me, yung personal lives namin outside this partnership, outside this love team are off-limits. The people that make us happy, the people that loves us, family, loved ones, off-limits po yun, opo. Hindi po yun kasama sa trabaho,” mensahe ni Barbie sa fans.
Ayaw ni Barbie na matulad ang loveteam nila ni David sa tambalang Alden Richards at Maine Mendoza na AlDub na pinipilit ng kanilang fans na sila na rin ang magkatuluyan sa tunay na buhay.
Samantala, hindi pa pala nasisimulan ang construction ng ipinapatayong bahay ni Jak Roberto, ang real life boyfriend ni Barbie.
Marami ang nag-akala na mauuna pa matapos ang bahay niya sa bahay ni Barbie.
Sabi ni Jak: “Finally, it’s happening! Iba pala talaga ang feeling ‘pag sa ground breaking! And since magsisimula na kami ng construction, nagpa-setup na rin tayo ng utility truck para sa site para raw mas makatipid.”
Nabanggit ni Jak noon na bahay para sa kanila ni Barbie ang kanyang ipinapatayo at welcome din pati ang pamilya ng girlfriend. Katunayan, may room sa bahay para sa ate ni Barbie at pamilya nito.
Hindi nawawalan ng project si Jak, kasama siya ngayon sa afternoon soap ng GMA-7 na “The Missing Husband.”
At sigurado na may kasunod pa itong project sa kanyang home network.
Muling pinanindigan ni Jak ang sagot sa tanong kung pinagselosan ba niya ang ka-loveteam ni Barbie na si David?
“Hindi po ako nagselos kay David at may tiwala ako kay Barbie. Bilang isang artista rin ay alam ko na trabaho lang ang ginagawa nila bilang magka-loveteam,” paglilinaw ni Jak.














