Barangay volunteer, natagpuang patay

By: Baby Cuevas

Natagpuang walang buhay ang isang 55-anyos na barangay volunteer , kamakalawa ng gabi sa loob ng Alvarez covered court sa Sta. Cruz, Maynila.

Kinilala ni PCMS Jason Ibasco, imbestigador ng Manila Police District -homicide section, ang biktimang si Manuelito Serena, walang permanenteng trirahan.

Alas- 7:30 umano ng gabi nang madiskubre ni Barangay Chairman Dionisio Busalpan ng Barangay 334 na patay na ang biktima, matapos na mapansing hindi pa nakabukas ang ilaw sa covered court.


Nang tingnan ang loob ay napansin nito ang biktima na nakaupo sa kanyang tinutulugan na papag at wala nang buhay.

Huling nakitang buhay ang biktima alas -12 ng tanghali at napag-alaman na may iniinda itong pneumonia at edematous sa dalawang binti.

Tags: Manila Police District-homicide section

You May Also Like

Most Read