Nasawi ang isang kagawad ng barangay habang sugatan naman ang isang waitress matapos pagbabarilin ng isang dating sundalo kahapon ng umaga sa loob ng Zero Bar,sa may Nakpil St .Ermita, Maynila.
Ayon sa inisyal na ulat ng Manila Police District -Police Station 5, nakilala ang biktimang si Jesus Carmona ng Barangay 698 na nasawi dahil sa tama ng bala sa iba’t-ibang bahagi ng katawan, habang sugatan naman at nasa kritikal na kondisyon sa Ospital ng Maynila.ang waitress na si Donna Sabenecio,29, ng Building 19, No. Heights, Tondo, Maynila.
Dinakip ng pulisya ang suspek na isang ex-Philippine Army at kinilalang si Rolly Ibanez Algarne,dating miyembro ng Armed Forces of the Philippines(AFP).
Diumano, naganap ang insidente alas- 10:30 ng umaga sa nabanggit na beer garden at inaalam ng pulisya kung ang insidente ay may anggulong ‘love triangle’. (Arsenio Tan)














