Latest News

Suspect Madriaga after his arrest by SMART operatives. (JERRY S. TAN)

Barangay ex-o, dinakip sa paggahasa umano ng menor na may kapansanan

Dinakip ng mga tauhan ng Manila Police District – Special Mayor’s Reaction Team (MPD-SMaRT) na pinamumunuan ni PMaj. Edward Samonte ang isang 60-anyos na Barangay Ex-0 na gumahasa umano sa isang menor de edad na may kapansanan, kamakalawa ng hapon sa Bagong Silang, Sucat, Muntinlupa City.

Walang inirekomendang piyansa si Judge Roberto Quiroz ng Manila RTC Branch 29 sa suspek na si Orlando Madriaga, residente ng No. 156 lot 3, Barangay Silang Muntinlupa city.

Naaresto ng mga operatiba ng SMaRT si Madriaga alas 5:45 ng hapon sa nabanggit na lugar.

Isinagawa ang operasyon matapoa makatanggap ng impormasyon sa MDIT-RIU-NCR ang SMaRT sa knaroroonan ng suspek.

Sa utos ni Samonte ay nagsagawa ng surveillance ang mga pulis at nang matiyak na doon nakatira ang suspek ay isinagawa na ang pag-aresto sa kanya.

Ayon sa record, naganap umano ang panggagahasa sa biktima noong Agosto 11, 2012 sa Arlegui Street, Brgy 387, Quiapo, Maynila.

Nasa kustodiya ng SMaRT ang suapek at hinihintay ang commitment order ng korte. (JERRY S. TAN)

Tags:

You May Also Like

Most Read