Inaresto ng mga operatiba ng Manila Police District -Police Station 4 ang isang Barangay Chairman sa loob mismo ng Barangay Hall bunsod ng warrant of arrest dahil sa kasong paglabag sa Republic Act 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices Act, kahapon ng umaga sa Sampaloc,Maynila.
Si Roberto Corpuz,54 , Barangay Chairman sa Brgy 569 zone 56 at residente ng Mindoro St., Sampaloc,.ay dinakip alas-9:45 ng umaga sa bisa ng arrest warrant na inisyu ni Presiding Judge Renato Enciso,ng Manila Regional Trial Court,Branch 12 na may petsang Marso 24,2023.
Inirekomenda ng hukom ang P90,000 piyansa para sa pansamantalang kalayaan ng suspek.
Kinukuwestiyon ni Corpuz ang isinampang kaso laban sa kanya ni Jaime Clamar Jr.na kasong graft na dahil lamang sa pagtanggi niya na isyuhan ito ng Barangay Certificate.
Gayunman,nagbago naman siya ng isip at pinaisyuhan na ito sa kanyang sekretarya kaya lamang ay pinalalagyan umano niya na may record ito sa kanilang Barangay dahil sa paghahamon sa kanya ng suntukan, pagmumura at pambabastos, dahilan para umalis si Clamar.
Si Corpuz ay nakatakda namang maghain ng motion for reconsideration sa korte. (Arsenio Tan)














