DEAD-on-the- spot ang isang barangay chairman nang likidahin ng mga hindi pa nakikilalang salarin kahapon ng umaga sa bayan ng Pili sa lalawigan ng Camarines Sur, ayon sa ulat ng pulisya.
Inabot ng dagliang kamatayan si Barangay Captain Nerio Magdaraog Brazal, bandang 5:10 a.m. , nang pagbabarilin ito ng mga suspek habang nagbabantay ng kanyang meat shop sa Zone 2, Barangay San Juan.
Ayon kay Police Lieutenant Colonel Maria Luisa Calubaquib, PNP-PRO5 spokesperson, patuloy ang isinasagawang follow-up investigation para sa pagkakakilanlan ng dalawang salarin.
Sinasabing dinikitan ng dalawang lalaki na nakasuot ng bonnet ang biktima saka ilang ulit na pinaputukan.














