Isinisi ng isang Environmental Impact Assessment Expert sa mga baradong waterways at drainages ang sanhi ng pagbaha sa Metro Manila at karatig-lalawigan nitong nakalipas na sama ng panahon dala ng hanging Habagat .
Ayon kay Dr. Ed Alabastro, isang Environmental Impact Assessment expert, ang pagbaha sa Metro Manila ay matagal nang problema at walang kinalaman dito ang reclamation project.
Nabatid na si Alabastro ay nagtrabaho sa iba’t-Ibang organisasyon bilang executive director ng dating Federation of Philippine Industries (Vice-chair of the Environmental Committee), Air and Waste Management Association (Chair of the Philippine Section), Integrated Recycling Industries Phils., Inc. (Director) at ng College of Fellows (Chemical Engineers).
“The root cause of this problem is our clogged drainages and waterways. Water cannot flow freely through these channels because they are obstructed by garbage and other plastic materials,” ani Alabastro.
Pinawi rin ni Alabastro ang inilulutang ng mga kritiko ng reclamation project na maari itong maging dahilan ng land subsidence, tsunamis at pagtaas ng sea level.
“Land subsidence is not due to reclamation at sea, but to over-extraction of deepwell water,” ayon pa kay Alabastro.
Tinukoy ni Alabastro na ang biglang paglubog ng earth surface ay dahil sa pag- alis ng subsurface earth materials.
Aniya, ang Manila Bay Sustainable Development Master Plan (MBSDMP), ay isang dalawang taong pag-aaral na ginawa ng foreign at local environmental experts na kinomisyon ng National Economic and Development Authority (NEDA), kung saan nakasaad na pagsapit ng 2040,ay 12 milyon katao ang babahain dahil sa patuloy na pagtaas ng sea level at land subsidence dahil sa pagtaas ng dependence sa groundwater.
Sinabi rin sa master plan na tataas ang bilang ng tao na manganganib sa coastal areas dahil sa oaglaki ng populasyon at pagtaas ng sea level at land subsidence sa hilagang bahagi ng Manila Bay.