Opisyal nang natapos ang 2022 Bar examination kahapon sa iba’t ibang Local Testing Centers sa bansa.
Kasabay nito,nagpadala naman ng liham ng pagbati ang Commission on Civil Service (CSC) at sinuportahan ang pagsusumikap ng Supreme Court (SC) para maging digital ang bar examinations lalo pa na ito ang pinakamahirap na eksaminasyon ng propesyunal sa bansa.
Sa liham na may petsang Nobyembre 8 ni CSC Chairperson Karlo A. B. Nograles, hiniling nito kay Chief Justice Alexander G. Gesmundo na.payagan ang CSC
delegation na.mag- obserba sa operasyon ng Bar Examinations sa Command Center sa Ateneo de Manila University na siyang nagmo-monitor sa 14 na local testing centers.
“In line with our vision to transition from the conventional pen-and-paper examinations, the Commission plans to introduce digitalized and localized examinations for the CSC-PPT [Civil Service Examinations – Pen and Paper Test] sustaining the momentum of the digital shift pioneered by the Supreme Court….As we transition to this digitalized platform, we would like to request the support of the Supreme Court in a collaborative endeavor for the adoption of policies and methodologies towards this digital shift,” nakasaad sa liham ni Nograles.
Kaugnay nito,sa huling araw ng Bar examination, ang mga kalsada malapit sa San Beda University ay sarado sa lahat ng uri ng sasakyan, kabilang ang panulukan ng Mendiola at Legarda Streets.
Ang Concepcion-Aguila Street lamang ang nanatiling bukas para lamang sa mga residente.
Nabatid na ang bar examinations ay isinagawa noong Nobyembre 9,13,16 at 20.
Ipinasiya ng SC na ituloy ang pagdaraos ng bar examinations sa kabila ng panawagan na ito ay i-postpone muna. (Anthony Quindoy)














