Omicron BA.2.12 subvariant, mas mabilis kumalat; publiko, hinikayat ng DOH na magpabakuna na

HINIKAYAT ng Department of Health (DOH) nitong Huwebes ang publiko na magpabakuna na laban sa COVID-19 sa lalong madaling panahon.

Ito’y matapos na matukoy na sa bansa ang unang kaso ng Omicron BA.2.12 subvariant na mas mabilis anilang kumalat ngunit wala pa namang ebidensiya na nagiging sanhi ng mas malalang karamdaman.


“Initial findings and data suggest that Omicron BA.2.12 spreads faster. There is currently no evidence that it can cause more severe disease,” anang DOH, sa isang public health advisory.

Dagdag pa ng DOH, “Omicron BA.2.12 subvariant reminds us that the virus is still out there, and cases can go up the moment we let our guard down.”

“The DOH thus implores the public to get boosted ASAP, as immunity is proven to wane over time. Further, all eligible immunocompromised individuals are encouraged to already get their second booster or 4th dose,” pahayag pa nito.


Hinikayat rin naman ng DOH ang mga indibidwal na hindi pa nababakunahan na magpaturok na ng kanilang COVID-19 primary series o ang una at pangalawang dose ng bakuna.

“Finally, every Juan and Juana should get vaccinated with the primary series if not yet done to strengthen our defenses against any variant,” anito pa.


Matatandaang noong Miyerkules, iniulat ng DOH na natukoy na nila ang unang kaso ng BA.2.12 Omicron subvariant sa bansa.

Ang pasyente ay saing 52-anyos na Finnish woman na dumating sa bansa mula Finland noong Abril 2.


Nagkaroon umano ang pasyente ng 44 close contacts, kabilang ang siyam na mula sa Quezon City, lima sa Benguet, at 30 sa eroplano pabalik sa Maynila.

Nakarekober naman na ang pasyente at nakabalik sa kanilang bansa noong Abril 21.

Base sa datos ng National Vaccination Operations Center (NVOC), nabatid na mayroon nang 51 milyong indibidwal ang fully vaccinated na laban sa COVID-19. Sa naturang bilang, 13 milyon ang nakatanggap na ng kanilang unang booster shots.



Kasalukuyan naman nang nagdaraos ng second booster shots vaccination ang bansa para sa mga immunocompromised (ICPs) individuals.

“Together, we can take the necessary steps in preventing further transmission of the COVID-19 virus through wearing your B-est-fitting mask, I-solate when sick, D-ouble-up protection through vaccination and boosters, and ensure good A-irflow,” anito pa. (Anthony Quindoy)

Tags: Department of Health (DOH)

You May Also Like

Most Read