Omicron BA 2.12, naispatan sa Baguio City

MAY na detect na ” carrier” ng bagong COVID-19 subvariant, Omicron BA 2.12, mula sa isang dayuhang bisita sa isang unibersidad sa Baguio City.

Gayunman, sinabi ng Departmemt of Health (DOH) , nanatiling mababa ang infection sa Baguio at sa Cordillera region.


Inilarawan ni Cordillera DOH epidiomology nurse Karen Lonogan, ang dayuhan na isang 52 anyos na babae mula sa Finland na pumunta sa Baguio para mag lecture sa digital loom weaving ay na detect na may sub variant.

Ayon kay Lonogan na-klasipika na ang babaeng dayuhan na nakarekober at nakabalik na sa kanyang bansa.

Ito umano ang kauna-unahang kaso ng BA 2.12 pero wala namang nahawaan.


Ang BA 2.12 ay itinuturing na highly transmittable mutation ng Omicron variant na unang kumalat sa United States at na detect rin sa South Korea.

Nalaman rin na ang Baguio ay lumampas na sa vaccination targets pero ang mga karatig lalawigan ay hindinpa umaabot ng 70%.


Tags: Departmemt of Health (DOH)

You May Also Like