Umakyat ang nationwide COVID-19 positivity rate hanggang nitong Abril 26 sa 12.9 percent mula sa 11.7% noong Abril 25
Ayon sa OCTA Research Group, tumutukoy ito sa mga taong nag-positibo mula sa kabuuang bilang ng mga nasuri.
Sinabi ni OCTA fellow Dr. Guido David na ito ay matapos na makapagtala ang Department of Health (DOH) ng 506 bagong kaso ng COVID-19 noong Miyerkules, dahilan para umabot sa 4,090,215.ang kabuuang bilang ng dinapuan ng virus
Itinataya ng OCTA na aabot sa 800 hanggang 1,000 ang maitatalang bagong kaso ng COVID-19.
Napag-alaman na ang positivity rate sa National Capital Region (NCR) ay umakyat sa 12.3% noong Miyerkoues mula sa 8.1 noong nakaraang linggo.
Una nang sinabi ni David na posibleng ang COVID-19 Omicron subvariant XBB.1.16, na tinawag na ‘Arcturus’ ang sanhi ng pagtaas ng mga kaso.
Ayon sa DOH, ang unang kaso na naitala ng DOH na nag-positibo sa Arcturus na Isang sublineage ng Omicron variant, ay nanggaling sa Iloilo.














