Namumuro na mailagay sa alert level 2,ang limang lugar sa National Capital Region matapos na ilagay sa moderate risk sa COVID 19.
Ayon kay Health Usec Maria Rosario Vergeire kabilang sito ang Pasig, San Juan, Quezon City, Marikina, at Pateros.
“Their growth rate began to increase, nagkaroon ng more than 200 percent,” ani Vergeire.
Malaman na isang “strategic” area sa NCR ang mahigit 50% ang healthcare utilization rate kaya dapat umanong magibg vigilante ang lahat.
Ayon kay Vergeire ,ang mga bagong data ay hindi naman indikasyon na kailangan ang mas mahigpit na quarantine restrictions dahil maliit naman ang bilang ng COVID patient dinadala sa hospital.
Ang Metro Manila at iba pang lugat ay nasa ilalim pa rin mg Alert Level 1.
“For now, escalation to Alert Level 2 hindi pa natin nakikita. Although we cannot say by next week biglang nagtaasan. That’s the time we are going to decide and that’s going to be IATF to decide,” dagdag ni Vergeire.
Sinabi ni Vergeire na.maraming dahilan kung bakit tumataas ang kaso ng COVID19 ,kabilang na ang bumababang immunity, pagpasok ng mga subvariants at ang hindi pagsunod sa public health standards. (Philip Reyes)














