IATF-EID, magpupulong kaugnay sa deklarasyon ng WHO ukol sa COVID

By: Anthony Quindoy

Sinabi ng Department of Health (DOH) na magpupulong ang Inter-Agency Task Force for Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) para i-assess kung ano ang dapat sundin na mga polisiya at patakaran, kasunod ng deklarasyon ng World Health Organization (WHO) na alisin na ang Public in Health Emergency of International concern sa COVID -19.

Ayon sa DOH , ‘welcome’ sa kanila ang proklamasyon ng WGO na alisin na ang PHEIC sa COVID 19


” This is an acknowledgement of our effective and collaborative COVID-19 response and concerted efforts to fully recover and re-open our economy, “anang DOH.

Tiniyak din nito sa mamamayang Filipino na ang anumang susunod na aksyon ng DOH kaugnay sa proklamasyon ng WHO ay pinag-usapan at inaprubahan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. mismo.

Agad umanong maglalabas ng mga detalye ang DOH matapos ang gagawing pagpupulong ng IATF-EID ukol sa isyu.


Tags: Department of Health (DOH)

You May Also Like

Most Read