Latest News

DOH: Omicron subvariant BA.4, natukoy mula sa isang Pinoy na galing sa Middle East

KINUMPIRMA ng Department of Health (DOH) nitong Sabado na isang Pinoy na nanggaling sa Middle East nitong unang bahagi ng buwan, ang natukoy na infected ng Omicron subvariant BA.4, na itinuturing na variant of concern (VOC) ng European Centre for Disease Prevention and Control (ECDC).

Sa isang pahayag, sinabi ng DOH na ang lalaki ay dumating sa bansa noong Mayo 4 at noong Mayo 8 ay natuklasang positibo siya sa naturang subvariant ng Omicron. Asymptomatic naman umano ang pasyente.

“The Department of Health (DOH) has detected Omicron-BA.4 from a Filipino citizen who flew in from the Middle East last May 4, 2022. His positive test result for the subvariant was from a specimen collected on May 8. He was asymptomatic,” anang DOH.


“[The] DOH has been coordinating with the concerned LGUs (local government units) since confirmation of the case to rapidly implement detection and isolation activities as part of the PDITR response,” ayon sa DOH.

Sinabi pa ng DOH na nakikita ng ECDC ang BA.4 bilang ‘variant of concern’ dahil sa posibilidad na mas mabilis itong kumalat o di kaya ay maaaring magdulot ng mas malalang karamdaman.


Babala pa ng DOH, dapat na maging maingat ang lahat dahil ang naturang subvariant ay maaaring magresulta sa pagdaming muli ng mga kaso ng virus sa bansa.

“The European Centre for Disease Prevention and Control (ECDC) sees Omicron BA.4 as a variant of concern (VOC). Compared to a variant of interest (VOI), a VOC is seen to either spread faster or cause worse illness,” anang DOH.


“BA.4’s faster transmission is likely because of its ability to evade immune protection induced by prior infection and/or vaccination, particularly if this has waned over time. While the ECDC has not observed any change in severity for BA.4 compared to other Omicron subvariants, we must be careful because faster transmission will lead to a spike in cases that could overwhelm our hospitals and clinics,” anito pa.

Sa ngayon, mahigpit ang paalala ng DOH sa mga LGUs na maging proactive sa pagtukoy ng mga indibidwal na hindi pa bakunado laban sa virus, at maging sa mga taong eligible na para sa kanilang booster shots.

Hinikayat rin ng DOH ang LGUs na gawing kumbinyente para sa mga residente ang pagpapabakuna upang mas marami pang maprotektahan laban sa virus.

Umaapela rin ang DOH sa publiko na magtungo na sa pinakamalapit na vaccination site at magpabakuna ng primary series at magpaturok ng booster shots sa lalong madaling panahon.

Mahigpit rin ang paalala ng DOH sa mga mamamayan na patuloy na sundin ang minimum public health standards (MPHS) laban sa COVID-19, gaya nang pagsusuot ng face mask, madalas na paghuhugas ng kamay, at pag-obserba sa social distancing.

Noong Martes, una nang iniulat ng DOH na nakapagtala na sila ng local transmission ng Omicron subvariant BA.2.12.1 sa bansa.

Nilinaw naman ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na wala pang community transmission ng naturang virus.

“This is not a community transmission where the infection is already so widespread that linkages cannot be traced anymore,” ani Vergeire. (Jaymel Manuel)

Tags: Department of Health (DOH)

You May Also Like

Most Read