DOH, nakapagtala ng 1,210 bagong kaso ng COVID-19 mula Nob. 14-20

By: Philip Reyes

Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 1,210 bagong kaso ng COVID-19 sa bansa simula Nobyembre 14 hanggang 20.

Ayon sa National COVID-19 Case Bulletin na inilabas ng DOH, nabatid na ang average na bilang ng bagong kaso ng sakit kada araw ngayong linggo ay nasa 173, na mas mataas ng 7% kung ikukumpara sa mga kaso noong Nobyembre 7 hanggang 13.


Sa mga bagong kaso, 14 ang may malubha at kritikal na karamdaman habang may naitalang siyam katao na nasawi, kabilang ang apat na naganap noong Nobyembre 7 hanggang 20.

Ayon sa DOH, noong Nobyembre 17, 2023 ay mayroong 284 na malubha at kritikal na pasyente na naka-admit sa mga ospital dahil sa COVID-19.

Napag-alaman na sa 1,622 ICU beds para sa mga pasyenteng may COVID-19, nasa 164 o 10.1% ang okupado habang 2,184 o 16.1% naman ng 13,550 non-ICU COVID-19 beds ang kasalukuyan ding ginagamit.


Tags: Department of Health (DOH)

You May Also Like

Latest News