DOH: Bivalent vaccines, target na maging available sa bansa sa unang bahagi ng taong 2023

Target ng Department of Health (DOH) na maging available na sa bansa ang mga bivalent vaccines laban sa COVID-19 sa unang bahagi ng taong 2023.

Sinabi ng DOH nitong Sabado na sa ngayon ay nakikipag-ugnayan na sila sa mga suppliers para sa naturang bivalent vaccines o second-generation COVID-19 vaccines, upang maprotektahan ang mga mamamayan laban sa Omicron variant.


Nakikipag-ugnayan na rin aniya sila sa mga potensiyal na donors ng mga naturang bakuna.

“As for the DOH, we are already coordinating with suppliers for the procurement of bivalent vaccines. We are targeting to have vaccines available by Q1 of 2023. We are also coordinating with potential donors of COVID-19 bivalent vaccines,” anang DOH.

Samantala, inihayag rin ng DOH na inirerekomenda ng United States Centers for Disease Control and Prevention na manatiling up-to-date ang mga tao sa kanilang COVID-19 vaccination sa pamamagitan nang pagkumpleto ng kanilang primary series at isang booster dose.


Dagdag pa nito, mahalaga ring malaman ng publiko na ang bivalent mRNA vaccines ay hindi pa otorisado o aprubado sa ngayon upang magamit bilang primary series doses. (Jaymel Manuel)


Tags: Department of Health (DOH)

You May Also Like

Most Read