Nakakaranas umano ng mataas na kaso ng COVID 19 ang Rizal ,habang ang Metro Manila at kalapit lugar ay bumagal ang infections.
Ayon kay OCTA Research Group fellow Dr. Guido David ,umakyat ang positivity rate sa Rizal sa 17.4% mula sa 12%.
Habang ang reproduction number ay naging 1.25 mula sa 0.90 at ang one-week growth rate, ay tumalon sa 47% mula sa 15%.
Ayon pa sa OCTA nakapagtala sa Rizal ng 228 bagong kaso ng COVID 19 nitong Setyembre 12 na mas mataas sa
203 noong kasalukuyang wave dala ng Omicron subvariants.
Ang healthcare utilization rate ng Rizal ay nasa moderate risk, habang ang intensive care unit occupancy ay nasa low risk na nasa 5% lamang .
Ayon sa OCTA ,ang Metro Manila at Cavite ay dumaranas ng mabagal na pagtaas ang mga kaso ng COVID19 peeo nanatiling hindi malinaw kung magpapatuloy ang trend. (Philip Reyes)














