Mas mabuting hintayin na lamang ang mga bagong reformulated vaccines para maging second booster shots.
Ito ang iminungkahi sa Laging Handa public briefing ni Infectious Diseases Expert Dr. Edsel Salvania sa harap ng mga mungkahi na isama na ang frontline economic workers at mga walang malubhang sakit sa second booster na ibinibigay ngayon ng gobyerno sa mga immunocompromised.
Ayon kay Salvania, mayroong pinag-aaralan ngayon ng mga eksperto na bagong formula ng mga bakuna laban sa COVID-19 na baka mas mabisa kumpara sa mga ibinibigay ngayon ng gobyerno.
“May mga panibagong reformulated vaccines that are already in the pipeline. So, baka mas maging mabisa kung hintayin natin iyon, rather than ipilit natin itong mga old vaccines natin na ang ating ebidensiya is not very strong particularly for those populations na mataas naman talaga iyong survival rates and that they actually do react much better to the vaccines compared to people who are immunocompromised or older,” ani Salvania.
Sa ngayon Ayon kay Salvania ay para lamang sa mga senior citizen edad 60 pataas na immunocompromised ang second booster at pinag-aaralan pa nila ang mga mungkahi na ibigay na rin ito sa bang sektor.
“So, I think at this point, iyong ebidensiya kasi na mayroon tayong hinahawakan para sa second booster dose is really just for elderly, mga 60 years old and above. Bagama’t sa United States, mukhang ini-extend na rin nila to 50 years old and above. So, pinag-aaralan po natin ito,” dagdag ni Salvania.














