Latest News

8 ‘di awtorisadong online ads ng Molnupiravir, pinaalis ng FDA

PINAALIS ng Food and Drug Administration (FDA), ang 48 di awtorisadong “listing at posting” on-line ng anti-viral drug na molnupiravir.

Ayon kay FDA Director General Oscar Gutierrez hindi umano rehistrado ang mga naturang brand ng molnupiravir.

Sa report ni Guttierez kay Pangulong Rodrigo Duterte,sinabi nito na may nakita silang 48 advertisements ng molnupiravir sa online platforms at social media para sa 9 na brands.


Kabilang na ang Molnarz, Movfor, Moluzen, Molenzavir, Molmed, Mpiravir, Zero Vir, Molnuvid, at Movir.

“Violation po ‘yan ng Republic Act 9711 dahil hindi naman po sila mga rehistradong produkto ,” ayon kay Gutierrez.

Tanging ang Molnarz, Movfor, Moluzen, Molenzavir, Molmed ang inisyuhan ng emergency use authorization at compassionate special permit ng FDA.

“Anyway, ito nga po ay na-i-coordinate natin sa mga may-ari po ng platform and even drugstore. All listings and postings were taken down naman po ,”dagdag ni Garcia.


Lima ang tinanggal mula sa online selling platform Carousell; 30 sa Facebook; tatlo sa Lazada; dalawa sa Shopee; anim sa Viber; at.dalawa.mula sa FDA-licensed pharmacy na may online delivery account.

Nalaman na may 173 COVID-related medicine, ang naidagdah sa 1,538 nakarehisteo ng gamot.

Kabilang na ang analgesics, antipyretics, cough and cold preparations, anti-diarrhea medicines, antihistamines, at vitamin C na igunagamot para mawala ang sintomas ng Covid-19 .

Tiniyak rin ni Guttierez na madadagdagan pa ito sa susunod na mga araw dahil nag-institute pa ang FDA ng streamlining of process at automation ng system para mapabilis pa ang pagrehistro ng mga produkto. (Jaymel Manuel)


Tags: Food and Drug Administration (FDA)

You May Also Like

Most Read