MAY 7 na siyudad sa National Capital Region (NCR) ang kinakitaan ng positive growth sa mga kaso ng COVID-19, dalawang linggo ang nakalipas matapos ang kampanya at halalan sa bansa.
Ito ang kinumpirma ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire kung saan kabilang dito ang Pasig, Muntinlupa, Pasay, Quezon City, Caloocan, Marikina, at Pateros.
Nabatid na sa pinakahuling ulat ng mga surveillance units ng DOH-NCR, ang 7 siyudad ay kinakitaan ng positive growth rate sa kanilang lugar.
Ang Pasig ay nasa low risk case classification dahil sa pagtaaa ng 17 kaso sa nakalipas na 2 linggo at may 69 aktibong kaso.
Gayunman, sinabi ng DOH na ang lahat ng lugar sa NCR ay nanatiling nasa low risk average daily attack rates at may mababang 180 aktibong kaso. (Philip Reyes)