May panibagong 613 kaso ng mas nakakahawang Omicron subvariants ang na- detect ng Department of Health (DOH) sa bansa.
Sa pinakahuling Covid-19 biosurveillance report, ito ay bahagi ng 694 samples na squence ng University of the Philippines-Philippine Genome Center noong Enero 28.
Sa kabuuang samples, 252 o 36.31% ang naklasipika bilang BA.2.3.20; 201 o 28.96%,ang XBB; 25 o 3.6 %,ang BA.5 (kasama ang 18 kaso na-klasipika bilang c BQ.1); 15 o 2.16 %,ang XBC; 2 o 0.29% ang BA.2.75; at 118 o 17 % ang ibang Omicron sublineages.
“All additional BA.2.3.20 and XBB cases were local cases from all regions except Eastern Visayas, Northern Mindanao, and Davao Region,” ayon sa DOH.
“Among [the] 25 BA.5 cases detected, 16 were local cases from Cagayan Valley, Central Luzon, Calabarzon, Central Visayas, Soccsksargen, Caraga, and NCR, and the remaining nine cases were Returning Overseas Filipinos”.
Nalaman na ang.15 karagdagang kaso ng XBC ay mula sa Zamboanga Peninsula, Soccsksargen, at Caraga habang 2 kaso ng BA.2.75 ay mula sa Central Visayas at Caraga.
Una nang sinabi ni DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire na ang kasalukuyang trends ng kaso ay maaring “plateauing: o “declining” pero ang“virus ay tumawid sa borders” kaya knakailangan na.manatiling mapag obserba,vigilant sa safety protocols gaya ng oagsusuot ng facemask at pagbabakuna. (Arsenio Tan)