Umabot sa may 3,900 mag-aaral ang dinapuan ng COVID-19 nang magsimula ang Face to Face class nitong Setyembre 1 hanggang Nobyembre 3.
Sa ginanap na press briefing,sinabi ni Health OIC Maria Rosario Vergeire sa kabila nito wala naman iniulat na nasawing estudyante .
Sa report ng DOH ,hindi naman malinaw kung ilan sa nabanggit na bilang ang eatudyante o school personnel.
“Wala naman pong naitala na nagkaroon ng severe [COVID-19 case]. Wala namang naitala na namatay na estudyante because of this,” ayon kay Vergeire
Kaugnay nito,hindi pa naglalabas ng sarili nilang report ang Department of Education(DepEd).
Nabatid na milyon-milyon estudyante ang nagbalikneskuwela matapos ang dalawang taon na blended learning dahil sa COVID-19 pandemic.