Latest News

2% ng 244 milyon COVID-19 vaccines, nasayang sa kalamidad

Aabot umano sa may 2% ng 244 milyon doses ng COVID-19 vaccine na kabuuang stock ng bansa ang nag-expire at nasayang dahil sa mga kalamidad.

Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa online forum na ito ay mas mababa sa 10% na ibinigay na standard ng World Health Organization(WHO) para sa mga nasayang na bakuna sa mundo.


Ayon kay Vergeire,may mga COVID-19 vaccines, ang hindi nagamit dahil kontaminado na nang mabuksan, o sumingaw na bago pa man buksan.

Nalaman na nakikipag ugnayan na ang DOH sa ilang bansa para mabigyan ng donasyon ng mga sobrang bakuna sa bansa.

Ayon sa National Task Force Against Covid-19 malapit na umabot sa 145 milyon Covid-19 vaccines ang naipamahagi na ng bansa hanggang nitong Abril 18. (Jantzen Tan)


Tags: Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire

You May Also Like