TINUKOY ng Department of Health (DOH) nitong Sabado ang 13 lugar sa bansa na nakitaan ng pagtaas ng kaso ng COVID-19.
Ani Health Undersecretary Myrna Cabotaje sa media briefing, ang mga lugar na may pagtaas ng COVID case ay ang Marinduque, Davao City, Butuan City, Surigao del Sur, Ilocos Norte, Kalinga, Batanes, Quirino, Catanduanes, Olongapo City, Tarlac City, Angeles City at Eastern Samar.
Ilan sa mga posibleng dahilan na kanilang tinitingnan ang pagdagsa ng mga turista at mga umuuwi sa probinsya.
Sa datos ng DOH, naitala sa 15,782 ang aktibong kaso ng COVID sa bansa nitong April 22.














