Latest News

12-13 milyon COVID-19 vaccine shelf life, pinalawig

PINALAWIG pa ng Department of Health(DOH) ang shell life ng may 12 hanggang 13 milyon ng AstraZeneca vaccine.

Gayundin,sinabi ni Health Usec Myrna Cabotaje na mayroon ring kahilingan para sa pag-apruba ng extension ng Gamaleya.

Inaalam na rin mg DOH ang bilang ng Pfizer at Moderna na bibigyan rin ng extension amg shell life.


Nabatid na may mga vaccine na mage-expire na ngayong buwan o sa Abril.

Sinabi ni Cabotaje na apektado rin ang delivery ng Gamaleya vaccine ng Russia noong nakalipas na taon matapos na hindi dumating sa takdang oras .

“We had a problem with Gamaleya use and preference. Initially, there was good uptake of Gamaleya but when we had the problem middle of and late last year when the second doses did not arrive on time… so the citizens are now hesitant to get their Gamaleya shots, thinking they might not get their second shot,” ayon kay Cabotaje. (Anthony Quindoy)


Tags:

You May Also Like

Most Read