NAGSAGAWA ng mga pagkilos ang iba’t-ibang hanay ng mga mamamalakaya at mga environmental advocates upang tutulan ang gagawing pagtatapon ng Fukushima radioactive wastewater sa Pacific Ocean.
Kahapon ay naglunsad ng kanilang mga kilos-protesta ang iba’t- ibang grupo ng mga mangingisda, mamalakaya at mga environmental advocates mula sa ibat ibang bahagi ng Luzon na kabilang sa grupo ng PANGISDA Pilipinas, Nuclear/Coal-Free Bataan Movement (NFBM), Young BEAN, Step Sierra Madre, Nagsama Lamon Bay Fisherfolks Federation at KILUSAN .
Sa Mendiola ay kinalampag nila ang Malacanang para ipakita ang kanilang pag alma sa planong pagtatapon ng TEPCO isang Japanese corporation ng irradiated water mula Fukushima Daiichi plant sa Pacific Ocean.
Kasabay ng pagkalat ng banta hinggil sa plano ng Japanese government at TEPCO na ituloy ang pagpapakawala ng Fukushima radioactive water sa Pacific ocean, ay nagtipon tipon ang mga mangingisda mula sa Bataan, Quezon, Cavite at National Capital Region, sa tulong ng ibat ibang environmental groups gaya ng PANGISDA Pilipinas, Nuclear/Coal-Free Bataan Movement, KILUSAN, Young BEAN at Step Sierra Madre para sa kanilang kilos protesta sa Mendiola at harapan ng Japanese Embassy sa Roxas Blvd.
Layon ng pagkilos sa Mendiola ay para manawagan kay President BongBong Marcos Jr. na hikayatin ang Japanese government muling pag aralan at pigilan ang planong pagtatapon ng 1.3M toneladang Fukushima radioactive wastewater sa dagat mula sa kanilang nasirang Dai-ichi nuclear power.
Habang ipinarating din ng mga nagpoprotesta ang kanilang liham ng pagtutol sa Japanese embassy hinggil sa plano at nanawagan sa Japanese government at sa TEPCO na muling rebisahin ang plano at humanap ng alternatibong solusyon gaya ng iminumungkahi ng mga dalubhasa at maging ng kanilang mamamayan
Pahayag ng Pangisda Pilipinas National Chairperson Pablo Rosales , “We appeal to all sectors of society to support our opposition and to join protesting Japanese and other Asian fisherfolk regarding the plan to discharge of contaminated water to our oceans”.
Sa pangunguna ni Nagsama-Lamon Bay Fisherfolk Federation Spokesperson Bryan Valenzuela, ay nanawagan ito “We demand to the Japanese government to stop the plan to dump Fukushima nuclear wastewaters into the Pacific Ocean to save the fishermen’s livelihoods, to ensure safety of foods for the public and to uphold sustainability of the Pacific Ocean for the whole world.”
“We already have a big problem with the present state of the Pacific Ocean caused by various types of pollution including plastics or micro plastics and even nuclear weapons testings in the past. This untenable situation will only be worsened by the plan to dispose of the Fukushima radioactive wastewaters into the ocean,” dagdag pa ni Edlyn Rosales, Chairperson ng PANGISDA Bataan.














