Inakusahan ng pag-torture sa mga preso sa New Bilibid Prison(NBP) ang suspendidong Bureau of Corrections (BuCor) chief Gerald Bantag.
Sanhi nito,sinabi ni BuCor officer-in-charge Gregorio Catapang na posibleng maharap sa karagdagang kaso si Bantag dahil sa pag-torrure diumano ng mga inmate.
“Hopefully I can file the case this Friday at the fiscal’s office,” ani Catapang.
Ayon kay Catapang ,ang kaso ni Bantag ay kahalintulad ng paglabag sa Human Rights matapos na malaman na dalawang preso ang kanyang sinaksak sa NBP.
Ang 2 inmate na kinilala sa alyas na Luis at Rodel ay ipinrisinta sa media noong.Lunes.
Nangyari umano ang insidente noong Pebrero 1 nang magalit ito sa nangyaring jailbreak at nakainom.
Sinaksak umano nito sa hita sj Luis at kamay si Rodel.
Ayon kay Catapang Oktubre pa lamang ay mayron nang gustong magsalita at pinakukunan na niya ito ng salaysay.
Samantala,sinabi ni Catapang na inaalam pa niya ang posibleng krimen na ginawa ng mga opisyal sa Iwahig facility sa Palawan na sangkot rin sa torture ng mga preso.














