Latest News

Bantag, pinaiimbestigahan sa sumbong ng 2 PDL na sila ay sinaksak nito

Paiimbestigahan ni Justice Secretary Jesus Crispin C. Remulla,ang alegasyon ng dalawang persons deprived of liberty (PDLs) sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City na sila ay sinaksak ng suspendidong Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gerald Q. Bantag.

Ayon kay Remulla ,nalaman lamang niya ito sa nabasang news report.

“Dapat ’yan, maimbstigahan ng maayos para ma-build up ang evidence laban po sa mga perpetrators.Yun po naman ang trabaho ng NBI at ng DOJ ,”ayon kay Remulla.


Unang ipinrisinta sa mga mamamahayag ni BuCor Officer-In-Charge Gregorio Pio P. Catapang ,Jr. ,ang mga PDLs na sina Jonathan Canete ng “Batang Cebu” gang at Ronald Usman ng “Batang Mindanao” gang na pawang sinaksak ni Bantag noong nakalipas na Pebrero 1.

Ayon kay Catapang, kung may batas na nilabag, dapat na isampa ang kaso.

Sinabi ni Catapang na hihilingin niya sa “ Commission on Human Rights (CHR) na asistihan sina Canete at Usman.

“Kahit mga PDLs ‘yan, may karapatan sila, hindi sila pwede saktan ,” ani Catapang.


Tiniyak ni Usman na.magsasampa siya ng reklamo laban kay Bantag dahil naparalisa na ang kanyang kamay.

Ayon kay Usman hindi na niya maigalaw anh kanyang gitnang daliri sa kanang kamay na sinaksak ni Bantag ng Bantag double-edged bladed weapon.

Habang ipinakita naman ni Canlas, ang peklat sa kanyang kaliwang hita na sinaksak rin ni Bantag.


Tags: Director General Gerald Q. Bantag

You May Also Like

Most Read