Mayroon umanong pananagutang legal ang suspendidong Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gerald Bantag sa ginawang excavation sa loob ng National Bilibid Prison(NBP).
Ito ang iginiit ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla ,gayundin ang ATOM Corporation na katuwang ni Bantag sa venture.
“I have asked my staff to study all possible cases that are there,”ani Remulla sa isang press conference.
Ayon kay Remulla, binalewala ni Bantag ang direktiba na itigil ang paghuhukay.
Nalaman na may 1.2 milyon cubic meters ng debris ang inalis sa lugar at hindi malaman kung saan ito dinala.
“Definitely, may damage na sa government ‘yung hukay na ‘yan. Para ma-fill up mo ulit will cost us a lot of money, a lot of time,” dagdag pa ni Remulla.
Sinabi pa ni Remulla na si Bantag ay humingi ng tulong sa ATOM Corporation para sa paghuhukay at ilan sa mga equipment na ginamit ay pag-aari ng ATOM.
Pinanindigan ni Remulla ang kanyang rebelasyon sa kabila ng pagtanggi ni Bantag. (Carl Angelo)














