Hinamon ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla si Bureau of Correction Director General Gerald Bantag na magpakalalaki at harapin ang kanyang kaso sa halip na magpa-interview sa media.
Nanawagan rin si Remulla kay Bantag na magsumite ng kanyang counter- affidavit dahil pinaniniwalaan na siya ang mastermind sa pagpaslang sa broadcaster na si Percy Lapid.
Kasabay nito,naniniwala si Remulla na nasa loob pa ng bansa si Bantag at si BuCor Official Ricardo Zulieta.
“I would say so because remember they’re government officials,” ayon kay Remullla.
“Hindi ka puwedeng umalis ng Pilipinas kapag wala kang travel authority. Unless they secured passports that did not reflect their true professions,”dagdag pa ni Remulla.
Sinabi ni Remulla na hindi na dapat mag-drama pa ai Bantag at harapin na lamang niya ang kanyang kaso.
Una nang sinampahan ng kasong murder ng NBI at Philippine National Police sina Bantag, Zulueta, at ilan pang Persons Deprived of Liberty (PDLs) sa pagpatay kay Lapid at middleman na si Jun Villamor o Cristito Villamor Palaña .
Si Lapid ay pinaslang noong Oktubre 3 habang si Villamor naman ay sinupot sa loob ng kanyang selda sa NBP.